Ang Batang Matapat

Announcer: Candidate Number 1!

James: Nagutom… Nahilo.. Natumba… Nawalan ng Malaysia!

Announcer: Candidate Number 2!

James: Sa bansang mahal ang bigas, gayundin ang gas, maraming mandurugas at maraming patatas… Pilipinas!

Papa: JAMES EMMANUEL ALVAREZ ESTRADA! Nanunuod ka na naman ng TV? Natapos mo na ba ang assignment mo?

James: O.. Opo Pa. Natataranta kong sabi sabay lipat ng channel ng TV.

Papa: Eh ano bang pinapanuod mo at talagang tutok na tutok ka d’yan?

James: Ay ano po Pa, karate. Malapit na po kasi ang laban naming sa Taekwondo.  ‘Eto nga po oh, Haaaayahhh… yahhh.. yaaahhh (imitates taekwondo positions/Kung Fu panda)

Papa: S’ya sige sa halip na manuod ng TV, mag ensayo ka at mag-aral ng mabuti.

James: Yes Sir (sabay salute), mag – iingat po kayo.

Magandang araw po sa inyong lahat, ako po si James, walong taong gulang. Ang pinaka mabait sa 5 magkakapatid.

Mama: James?

James: Po Ma?

Mama: Tama na munang panunuod ng TV, magwalis ka muna ng bakuran.

James: Opo Ma.

Habang nagwawalis si James ng bakuran at pakanta kanta at pasayaw sayaw pa.

“May tatlong Bibe akong nakita, Mataba, mapayat mga bibe, Ngunit ang may pakpak Sa likod ay iisa, Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak, Kwak…” (with actions of tatlong bibe ni Makmak sa Ang probinsyano) Wow! Isang daang piso, baka nahulog ito ni Papa kanina habang nagmamadali sya.

(Tunog Selecta) Tingtining ting ting tiningting ting ting

Wow, ice cream, tamang tama. Kayo? Gusto n’yo din ba ng ice cream? Kaya lang, hindi akin itong pera, baka kailangan ito ni Papa. Pero ang init init at ang sarap kumain ng sorbetes, hindi naman malalaman ni Mama na nakapulot ako ng pera.

Ssshhhhh! (to audience)

Kunsensya: Avisalah! (just like Imao in Encantadia)

James: (Nagulat) Huh! Sino ka?

Kunsensya: Ako ang iyong kunsensya.

James: Eh di Wow!

Kunsensya: Hindi ibig sabihin na kapag nakita mo ang isang bagay, may nakakita man o wala, kapag hindi ito sa ‘yo, hindi mo dapat inaangkin.

James: Oo na, ganun naman lagi eh, akala mo sa ‘yo na pero hindi naman pala, masasaktan ka lang.

Kunsensya: Ang katapatan ay walang pinipiling lugar at oras. Hindi lahat ng tao kaya maging matapat. Ngunit sa katapatan, ‘dun natin mararamdaman ang tunay na ligaya.

James: Kung gayun, simula ngayon sisiguraduhin ko na ako’y magiging matapat. Ang batang matapat ay kaibigan ng lahat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s